"Our National language, which is Filipino, should be preserved and nurtured. And a great way to do that is to teach this in schools" - Princess Harley G. Binoya
Inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) ang CHED Memorandum Order No. 20 series of 2013, kung saan naglalayong alisin ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa mga unibersidad sa Pilipinas. At ito ay ipapatupad sa taong 2018. Marami ang tumutol sa desisyong ito na isinagawa ng CHED. Hindi nararapat na tanggalin ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo sapagkat ito ay ang ating Pambansang wika at ito ang nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Ito ang nagpapakita at nagsisimbulo sa ating pagkapilipino, kaya napakaimportante nito. Kung kukunin ang asignaturang Filipino ay mawawala ang pagtuturo ng Panitikan at Literatura na kung saan ay malakas ang hatak sa atin ng impluwensiya ng iba't -ibang bansa dahil tinatanggap na natin ang mga iba't ibang kultura. Kaya ano ang mangyayari sa atin ngayon? magiging Kulurom tayo niyan, mawawala ang ating pagkakakilanlan. Bukod sa lenggwahe, ngayon ay nalilito na ang mga Pilipino kung anong kaugalian, tradisyon at kultura meron tayo. Hindi na natin nakikilala ang sariling atin. Pano na kaya kung tatanggalin pa ang asignaturang Filipino ?
Sabi ng CHED na hindi tuluyang mawawala ang asignaturang Filipino, ito ay magiging parte ng K12 Curriculum. Ngunit dapat na isaalang-alang sa ating isipan na ang pagtuturo ng Filipino sa hayskul at sa Kolehiyo ay mayroong malaking pagkakaiba. Ang pag-unawa at pag-aaral ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay mas kritikal at mas natutuunan ng pansin ang Panitikan at Literatura ng Wikang Filipino.
Makikita sa website na ito sa pahinang "sanaysay" na nakapaloob sa "teaching material" na pahina ang isang sanaysay tungkol sa mga posibleng epekto sa pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo, na isinulat namin ng aking kagrupo sa research. Ito'y ibabahagi ko po sa inyo.
Ang website na ito ay naglalayong makapagbahagi ng kaalaman at opinyon sa mambabasa.